Arestado ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos magtago ng limang taon sa kasong pagpatay sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa lalawigan ng Masbate.
Kinilala ang mag-aamang sina Elesor Gamgam; mga anak nitong sina Jomar Gamgam, Eleser Gamgam at Jovert Gamgam.
Ayon sa mga otoridad, ang mag-aama ay responsable sa pagpatay at sa bigo pang pamamaslang sa kanilang kapit-bahay.
Kung saan, matapos ang krimen ay nagtago sa batas hanggang sa mahuli ng mga pulis sa kasong murder at frustrated murder. —sa panulat ni Kim Gomez