Nakapagtala na naman ng 4 na panibagong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) Corona-Virus ang South Korea.
Ayon sa ulat ng South Korean Health Ministry, ito na ang pangatlong araw na walang nasawi sa virus.
Nasa 179 na ang kumpirmadong may MERS sa naturang bansa.
Sinabi pa ng Health Ministry na 67 katao na ang nakarekober at nakalabas ng pagamutan.
Ang virus sa South Korea ang pinakamalaking outbreak sa labas ng Saudi Arabia.
Nananatiling 27 katao ang bilang ng mga casualties ng MERS-CoV sa South Korea.
By Mariboy Ysibido