Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III ang 4 na panukalang batas na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ito aniya ang doktor para sa bayan act na magbibigay ng libreng medical education sa mga mahihirap ngunit karapatdapat na mga estudyanteng Pinoy.
Gayundin ang Alternative Learning System Act at amendments to organic agriculture act of 2010 na layong patatagin ang nasabing industriya sa bansa.
Inaprubahan na rin ang panukalang batas na magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihan para pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng mga lisensya at permit tuwing may national emergency.