Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung may kinalaman ba sa nalalapit na halalan ang nagyaring pamamaril kay Infanta, Quezon Mayor Filipina America nuong nakalipas na buwan.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, may 4 na persons of interest sa kaso na silang binabantayan base sa nakuha nilang kopya ng CCTV sa posibleng pinangyarihan ng krimen.
Ayon kay Carlos, nakikipag-ugnayan na ang biuong Special Investigation Task Group America sa Commission on Elections o COMELEC hinggil sa pagsasagawa ng mas malalimang imbestigasyon.
Tumutulong na rin ayon sa PNP Chief ang Regional Forensic Unit sa CALABARZON para sa cross matching examination sa mga nasamsam na ebidensya.
Magugunitang ibinunyag ni America na tumatakbong muli sa pagka-alkalde sa kanilang lugar na mayruon siyang natatanggap na pagbabanta sa kaniyang buhay.
– ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)