Pasok ang apat na Pilipino sa pitong dayuhang estudyante na namayagpag sa pagtatapos ng 240 estudyante ng class of 2021 sa US coast guard academy.
Kabilang sa mga Pilipinong ito sina Eric Joseph Noble, Genison Basilio, Daisy Anne Atayan at Dianne Shaira Basuel pawang mga kadete na inisponsoran ng Philippine Coastguard.
Ipinabatid ng coastguard na kapag bumalik ng Pilipinas kaagad sasalang ang mga nasabing Pinoy sa Coast Guard Officer’s Course (CGOC) para maging ganap na opisyal ng Philippine Coast Guard.
Nagsilbi namang keynote speaker sa nasabing graduation rites si US President Joe Biden.