Operational na muli ang apat (4) na planta ng kuryente na una nang naapektuhan ng lindol sa Batangas.
Ipinabatid ito ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella matapos makumpuni ang San Lorenzo 1 at 2, San Gabriel Power Plant at Ilijan Power Plant.
Dahil dito, sinabi ni fuentebella na mayroon nag 1, 500 megawatts na reserba ang Luzon grid na uubrang magamit ng mas matagal.
Inalis na rin ng DOE o Department of Energy ang yellow warning alert matapos maibalik ang supply ng kuryente ng mga nasirang planta.
Gayunman, 15 planta pa rin na nasa Bataan ang hindi pa rin napapakinabangan dahil pawang naka maintenance shutdown ang mga ito.
By Judith Larino