Patay ang apat na PDL o persons deprived of liberty matapos makipag barilan sa mga tauhan ng BJMP nang magtangkang tumakas sa Liangga District Jail sa Surigao Del Sur.
Ipinabatid ni BJMP Spokesman Chief Inspector Xavier Solda na nang agaw ng baril at nang hostage ng jail guards ang isang grupo ng mga preso subalit bigo ang mga itong makatakas.
Naghahanda na aniya ng almusal ang mga tauhan ng Liangga District Jail nang sunggaban ng labing isang PDL ang isang personnel na nuo’y magbubukas sana ng gate ng selda para ipasok ang kanilang pagkain.
Sinabi ni Solda na mabuti na lamang at kaagad naka responde ang iba pang duty personnel kayat nagkabarilan ang dalawang panig na ikinasawi ng apat na preso at sugatan naman ang isang personnel.
Iniimbestigahan na ang insidente kung saan ang mga nasawing bilanggo ay hinihinalang miyembro ng NPA.