Pinuri ni Mayor Lino Cayetano ang mga miyembro ng Pasig at Makati Police sa kanilang mabilis na pagkakadakip sa 4 na miyembro ng Taguig-Philippine National Police na sangkot sa isang robbery incident sa Pasig City noong December 18.
Kaugnay nito, inatasan ng alkalde ang Taguig PNP na makipag-ugnayan sa imbestigasyon at agad na maglungsad ng sariling pagsisisyasat sa insidente.
Kinilala ang mga naarestong pulis na sina Staff Sgt. Jayson Bartolome, Cpl. Merick Desoloc, Cpl. Christian Jerome Reyes, and Pat. Kirk Joshua Almojera.
Ang 4 na pulis ay kabilang sa walong suspek sa pagnanakaw umano ng ₱30 milyon sa isang japanese at kinakasamang pinay sa loob ng kanilang bahay sa brgy. Kapitolyo, Pasig City nitong sabado ng madaling araw.
Nanawagan rin ng full investigation si Cayetano kasunod ng mga ulat na sangkot rin ang isang kawani ng Tagug City ang sangkot sa naturang insidente.
Ipinag-utos na rin ng alkalde sa Taguig Police Chief na siyasatin ang lahat ng mga personnel at hiniling din nito ang reshuffle sa hanay nito.
Aniya kinokondena ng lokal na pamahalaan ang anumang karahasan, iligal na droga at korapsyon at hindi rin nito kukunsintihin ang sinumang kawani na sangkot sa krimen.
Sinabi pa ni Cayetano na paparusahan sa ilalim ng batas ang sinumang gumagawa ng ng mga ito at magsilbi aniya sana itong babala sa mga indibidwal na nambibiktima ng mga inosenteng sibilyan.