Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Mabalacat PNP o Philippine National Police at ang hepe ng Drug Enforcement Unit o DEU nito kasunod ng pagkakasangkot ng ilan nilang mga tauhan hinggil sa umano’y tanim-droga.
Ayon kay PNP Region 3 Director Chief Supt. Aaron Aquino, tinanggal sa pwesto sina Mabalacat Chief of Police Supt. Juritz Rara at ang DEU Chief nitong si Sr. Insp. Melvin Florida dahil sa command responsibility.
Bukod sa kanila, sinibak din ang hepe ng Bacolor PNP na si Chief Insp. Sonia Alvarez at ang hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit nito na si Chief Insp. Philip Pineda.
Isinailalim na sa provincial administrative holding center ang apat (4) na nabanggit na opisyal habang sila’y iniimbestigahan.
By Meann Tanbio | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
4 na pulis-Pampanga sibak sa isyu ng ‘tanim-droga’ was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882