Pormal nang ipinagharap ng Pasig City Police ng kasong Robbery ang 4 na Pulis Taguig at sibilyang kasabawat nilang naaresto dahil sa pagnanakaw ng P30M mula sa Japanese National at asawa nitong Pinay sa Brgy. Kapitolyo nitong araw ng Sabado.
Ayon kay Pasig City Police Chief P/Col. Roman Arugay, kabilang sa mga kinasuhan ay sina P/SSgt. Jayson Bartolome, Cpl. Merick Desoloc, P/Cpl. Christian Jerome Reyes at Pat. Kirk Almojera na pawang nakatalaga sa Taguig City Police at AJ Mary Agnas na siyang staff ng mag-partner.
Habang patuloy namang tinutugis ang 2 pang mga suspek na kinilalang sina Ferdinand Fallaria, isang dating pulis NCRPO at isang Rowel Galon.
Kalaboso ang 5 suspek na nakita sa CCTV habang nasibak na rin ang 4 na pulis gayundin ang Station Commander ng Sub station 1 na si P/Maj. Nimrod Balgemino habang nagpaptuloy ang imbestigasyon sa insidente. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)