Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health ang apat na rehiyon sa bansa na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng Dengue at Chikungunya.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang dito ang Region 2, 3, 7, at 9 na nakitaan na pagtaas ng kaso ng sakit kumpara noong 2021.
Agad namang pinakilos ng DOH ang kanilang regional offices na tutulong sa mga lokal na pamahalaan ng nabanggit na rehiyon.
Samantala, ang ipinatupad na lockdown ang isa sa nakikita ni Vergeire kaya tumaas ang kaso ng Dengue at Chikungunya.
Pinaalalahanan din ni Vergeire ang publiko na i-check at itapon kung may mga naipong tubig sa kanilang bahay na maaaring pamugaran ng lamok.