Apat na rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng rabies.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kung saan kabilang dito ang Region 3, 4-A, 11 at 12.
Paalala ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na huwag balewalain ang kagat ng hayop tulad ng aso.
Aniya, ang mga aso na may rabies ay 100% ang case fatality rate lalo na kung ang kagat nito ay sa lugar kung saan maraming ugat na siyang mabilis na pagdadaluyan ng organismo.
Samantala, nanawagan ang DOH sa publiko na iparehistro sa lokal na pamahalaan ang kanilang alagang hayop at paturukan ng bakuna kontra rabies.