Inihayag ng Russia na 4 na rehiyon sa Ukraine ang nais umanong umanib sa kanilang bansa.
Ito ay matapos makuha ng Russia ang apat na “referendums” o boto dahilan para tuluyang masakop ang Ukraine.
Ayon sa Moscow-installed officials, halos buong buo ang suporta ng apat na region sa Ukarine na nakiisa sa botohan para maging annex o karugtong ng Russia.
Kabilang sa mga rehiyong nais sumanib sa Russia, ang Donetsk, Luhansk, Kherson at Zaporizhzhia.
Nakatakda naman i-anunsyo ni Russian President Vladimir Putin ang annexation sa mga nabanggit na rehiyon para sa kanyang speech sa joint session ng Russian parliament bukas.
Samantala, iginiit at nanindigan naman ang Ukraine government kasama ng mga kaalyado nito na hindi kinikilala ng international community ang ginawang pagsang-ayon ng apat na rehiyon upang maging kaanib ng Russia.