Nadiskubre ng mga otoridad ang 4 na sawmills na ginagamit ng mga illegal logger sa Sapad, Lanao del Norte.
Sa isinagawang operasyon ng pulisya, DENR at ng 15th Infantry Batallion, tumambad sa kanila ang bultu-bultong lumber mula sa illegal logging sa bayan ng Sapad.
Noong December 21, nagpasya ang Provincial Peace and Order Council na magkasa ng isang law-enforcement operation bunsod na rin ng mga reklamo ng umano’y talamak na illegal logging sa Mt. Inayawan sa bayan ng Nunungan.
Ang Mt. Inayawan ay isang National Integrated Protected Area System (NIPAS) sa ilalim ng NIPAS Act of 1999.
By: Meann Tanbio