Arestado ang 4 na South African sa pagtatangka ng mga ito na atakihin ang US embassy sa kapitolyo ng Pretoria.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga naaresto ang kambal na sina Brandon Lee at Tony Lee Thulsie kung saan sinasabing pinlano rin ng mga ito na atakihin ang mga gusaling pagmamay-ari ng mga Hudyo.
Dahil dito nakasuhan ang mga ito ng conspiracy sa mga nagnanais maghasik ng karahasan laban sa Estados Unidos.
Una nang binalakn ng naturang kambal na umalis patungong Syria upang maging bahagi ng Islamic militants.
By: Ralph Obina