Ibinunyag ni House Deputy Speaker Ralph Recto na apat na specialty hospitals sa Quezon City ang nahaharap sa “all deep and non-superficial” na pagbabawas ng budget sa susunod na taon.
Mababatid na nakatakdang magbawas ng budget sa 5.268 trillion pesos sa panukalang national budget ng bansa ang Lung Center of the Philippines (LCP), Philippine Heart Center (PHC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), at ang Philippine Children’s Hospital (PCH).
Ayon kay Recto, batay sa 2022 General Appropriations Act (GAA), ang panukslang budget para sa LCP ay magiging 53.7 million pesos na lamang mula sa 684 million pesos.
Samantala, bababa sa 121 million pesos naman ang budget ng PHC mula sa nakaraang 1.76 billion pesos sa 2023 National Expenditure Program (NEP), na nagsisilbing draft ng national budget.