Apat na sundalo ang sugatan makaraang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gen. Luna, Quezon kahapon.
Batay sa impormasyong natanggap ng General Luna PNP, nangyari ang pananambang sa bahagi ng Bondoc Peninsula Highway sa barangay Bacong sa naturang bayan.
Pinasabugan umano ng landmine ng mga rebelde ang military truck, sakay ang mga biktimang sundalo na agad namang dinala sa pagamutan sa bahagi naman ng bayan ng Catanauan.
Maliban sa pag-atake tinangka rin umano ng mga NPA na barilin ang detachment ng army sa Barangay 9 sa Catanauan subalit wala namang tinamaan dito.
Samantala, anim na manggagawa naman ang pinalaya ng mga rebelde sa bayan ng San Francisco sa naturang lalawigan.
Ayon sa 85th infantry battalion ng army, ginawang panangga ng mga rebelde ang mga manggagawa para makatakas nang pasukin ng mga rebelde ang isang rancho sa sitio Tumbaga sa barangay Nasalaan.
RPE