Kinasuhan na ang apat (4) na suspek, kabilang ang isang 26-anyos na Muslim convert, dahil sa pambobomba sa Hilongos, Leyte na ikinasugat ng mahigit tatlumpu (30) katao noong Disyembre 2016.
Kabilang sa mga nahaharap sa kasong multiple frustrated murder sa Leyte Prosecutor’s Office si Jake Anthony Macuto na may Muslim name na “Yusuf” na pinaniniwalaang miyembro ng terrorist Maute group at tatlong iba pa.
Matatandaang nanonood ng amateur boxing fight sa pagdiriwang ng town fiesta ang mahigit isang libo (1,000) katao nang sumabog ang isang IED o improvised explosive device.
Ayon kay Chief Supt. Elmer Beltejar, Police Director ng Eastern Visayas, itinanim ni Macuto ang bomba sa isang tangke ng tubig kung saan ang naturang uri rin ng bomba ang natagpuan malapit sa United States Embassy sa Maynila noong Nobyembre 28.
By Jelbert Perdez