Apat lamang sa 5,465 tricycle drivers na sumailalim sa confirmatory PCR Test ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Marikina City.
Ito, ayon kay City Mayor Marcy Teodoro, ay dahil bago pa lamang ilagay ang National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay nagsagawa agad ito ng mass testing sa mga manggagawa sa lungsod.
Ayon kay Teodoro, ang mass testing ay libreng binabalikat ng local government bilang investment sa public health at inisyatibo nito sa serbisyong pangkalusugan ng lungsod sa “New Normal.”