Anim (6) na tripulante kabilang ang apat (4) na Pinoy sa kinidnap ng mga armadong lalaki sa karagatang sakop ng Nigeria.
Ayon sa Ukranian Foreign Ministry, inatake ng mga hinihinalang pirata ang Liberian-flagged container ship habang ito ay naglalayag sa timog–kanluran ng Bonny, Nigeria.
Bukod sa apat na hindi pa pinapangalanang Pinoy, kabilang din sa binihag isang Hungarian at Ukraine national.
Ayon sa mga awtoridad, hanggang sa ngayon ay wala pang ransom demand ang mga kidnappers para sa pagpapalaya ng mga nasabing hostages.
—-