Arestado ang apat na wanted sa Central Luzon matapos ang ikinasang manhunt operation ng mga otoridad sa Olongapo City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Fernandez, 28 anyos, taga-Bataan na nahaharap sa kasong sexual assault.
Kasong rape naman ang ipinataw kay Bryan Soria, 19 anyos, residente ng Mabalacat Pampanga habang kasong pagnanakaw ang isinampa laban kay Joan Maglalang, 39 anyos na mula sa Bulacan Province.
Nadakip din si Ryan Sugue, 41 anyos, residente ng Barangay Amungan, Iba, Zambales na nahaharap sa three counts ng paglabag sa Violence Against Women and Their Children Act at two counts ng paglabag sa Anti-Child Abuse Act. —sa panulat ni Airiam Sancho