Tinanggalan na ng Philippine National Police (PNP) ng police escorts ang 4 na alkalde mula sa Western Visayas na kasama sa pinangalanang protektor ng drug syndicates ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa 27 police escorts, napag-alamang 21 rito ang naka-assign kay Iloilo City Mayor Jed Patrict Mabilog, 4 kay Mayor Alex Centena ng bayan ng Calinog sa Iloilo, 2 kay Hamtic Mayor Julius Pacificador samantalang wala namang police escort si Mayor Mariano Malones ng bayan ng Maasin.
Nagpaliwanag naman ang abogado ni Mayor Mabilog kung bakit 21 ang kanyang police escorts.
Ayon kay Atty. Mark Piad, shifting ang mga close in security ni Mabilog at iba pa ito sa mga nagbabantay sa kanyang tahanan.
Nagpahayag ng pangamba ang mga alkalde na mayroong magsamantala sa kanilang sitwasyon ngayon at gawan sila ng masama.
By Len Aguirre