4 na ang nasawi sa diarrhea outbreak habang mahigit 200 katao ang nagkasakit sa bayan ng Talaingod, Davao Del Norte.
Batay sa Provincial Health Office (PHO) ng Davao Del Norte, may 17 huling naitalang kaso ng diarrhea noong Huwebes.
Ayon kay Davao Del Norte Provincial Health Officer Dr. Alfredo Lacerona, nakumpirma sa imbestigasyon na kontaminado ang tubig sa lugar ang naging dahilan.
Mayroong 217 na kaso sa 2 sitio, 197 ang recovered, 16 ang aktibong kaso habang 4 ang patay na naitala sa bayan ng Talaingod.
Isinailalim ang bayan sa state of emergency para may magamit na pondo sa paghahatid ng ayuda sa mga residenteng tinamaan ng sakit. - sa panunulat ni Jenn Patrolla