Sinibak sa tungkulin ang apat na miyembro ng Northern Police District Anti Illegal Drugs Unit na inirereklamo ng pangongotong sa isang negosyante mula sa Laguna.
Ayon kay NPD acting Director S/Supt. Roberto Fajardo, dinis-armahan na niya ang apat at tinanggalan na ng tsapa ang mga naturang police.
Gayunman, tumanggi muna si Fajardo na pangalanan ang mga nasabing pulis dahil sa nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.
Kasabay nito, ibinunyag ni Fajardo na tulak din ng ipinagbabawal na gamot ang nagsuplong sa apat na police kaya’t maging ito ay sabit din sa kanilang pagsasampa ng kaso.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)