Sinampahan ng kasong sedition ang apat na obispo ng katoliko na sina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco at retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani Jr.
Ayon sa apat na Obispo, tumanggi sila humarap sa media at magprotesta matapos isinumite ang sedition complaint laban sa kanila dahil mas malakas na aniya ang pagdadasal bilang sandata.
Dagdag pa anila, patuloy nilang ipagdadasal ang Department of Justice na siyang mag de-desisyon sa kasong kanilang kinakaharap.
Matatandaang kabilang ang 4 na obispo sa 36 na pinangalanan ng Philippine National Police – Criminal Invetsigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng pagpuna sa kampanya laban sa droga ng pamahalaang Duterte.
Sa panulat ni Lyn Legarteja