Apat sa 10 overseas Filipino workers (OFWs) na umuuwi ng bansa ang may human immunodeficiency virus (HIV), ang virus na nagdadala ng AIDS.
Ayon ito kay Acts OFW Party-list Representative John Bertiz.
Sinabi ni Bertiz na mula lamang nitong Pebrero ay nasa 92 percent ang itinaas ng mga OFWs na mayroong HIV at AIDS.
Nakakaalarma aniya ito kayat dapat mas maging puspusan pa ang information at education sa mga OFWs at sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa.
“Malaki po ang bilang ng mga kalalakihan at mga nasa barko based on statistics po. Ang problema lang po natin, malalaman lang natin pag sila ay HIV-infected pag sila ay aalis na ulit pabalik na po sa kanilang tinatrabahuhan just because of mandatory or physical examination nalalaman nila na sila ay infected. Eh paano po yan kung sila kararating lang of course matagal silang nahiwalay sa kanilang asawa.” Pahayag ni Rep. Bertiz.