Apat sa bawat sampung Pilipino ang positibo na gaganda pa ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na isang taon.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS mula March 23 hanggang 27, apatnapu’t anim (46) na porsyento ang positibo ang pananaw sa kalidad ng kanilang buhay samantalang anim ang may negatibong pananaw.
Bagamat bumaba ito ng anim na porsyento kumpara noong Disyembre ng nakaraang taon, maituturing pa rin itong excellent batay sa panuntunan ng SWS.
Samantala, bumaba rin ng tatlong puntos ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing gumanda ang kanilang buhay kumpara sa nagdaang isang taon.
Batay sa SWS survey, 41 percent ang gainers o mga nagsabing gumanda ang kanilang buhay samantalang 21 percent ang losers o lalong sumama ang lagay ng pamumuhay.
Sa kabuuan ay nakapagtala ng positive 20 percent na gainers ang SWS, mas mababa sa record high excellent na positive 23 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.
Economy optimism
Samantala, bumagsak naman ang bilang ng mga Pilipino na positibong gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na isang taon.
Ayon sa SWS survey, 42 percent ang positibo na gaganda ang lagay ng ekonomiya sa susunod na isang taon samantalang labing dalawang (12) porsyento ang naniniwalang babagsak ito.
Labing isang (11) porsyento itong mas mababa sa positive 42 percent optimism na naitala ng SWS noong Disyembre ng nakaraang taon.
—-