Mayroon pang apat (4) na audio recording na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon hinggil sa Mamasapano encounter.
Ayon ito kay Retired General Diosdado Valeroso na una nang naglabas nang nakuhang aniya’y mystery tape sa kaniyang e-mail umano kaugnay sa naturang insidente.
Sinabi ni Valeroso na kabilang sa mga nasabing mystery tapes ang audio visual tape ng mga kuha ng US military sa sagupaan ng PNP SAF Commandos at MILF.
Bukod pa aniya ito sa audio visual recording ng pulong ng AFP at PNP officials habang nagaganap at matapos ang Mamasapano massacre.
By Judith Larino