Nakataas ang alert level 1 sa Bulkang Mayon na nasa Albay.
Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, may namataan itong bahagyang aktibidad sa pamamagitan ng plume steam, bagama’t walang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag.
Habang nakita rin ng Phivolcs ang pamamaga ng paligid ng naturang bulkan.
Mababatid na bukod sa Bulkang Mayon, nakataas din ang alert level 1 sa tatlo pang bulkan: Kanlaon, Bulusan at ang Pinatubo.
Kasunod nito, para makaiwas sa nakaambang panganib ay pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na huwag pumasok itinuturing na permanent danger zone ng mga nabanggit na bulkan.