Apat pang kabataang miyembro ng isang football team na mahigit dalawang linggo nang na-trap sa kuweba sa Chiang Rai, Thailand ang na-rescue na ng mga diver.
Dahil dito, limang atleta kabilang ang kanilang coach ang kailangan pang mailabas ng Thai Navy Seals mula sa kuweba sa kabuuang labingtatlo.
Ayon sa mga awtoridad, pawang maayos naman ang pangangatawan ng walong naunang na-rescue ng mga diver subalit kailangan pa nilang magpalipas ng ilang araw sa ospital.
Hunyo 23 nang ma-trap ang team sa kuweba makaraang umapaw ang tubig bunsod ng malakas na pag-ulan.
—-