Timbog sa operasyon ng mga otoridad ang 4 pang suspek sa pambobomba sa Davao City nuong September 2
Kinilala ang mga naturang suspek na sina Mohammad Lalaog Chenikandiyil alias Datu Boi Jackson Mangulamas Usi alias Abu Mansor, Jam Zack Villanueva Lopez alias Haron at Ansan Abdulla Mamasapano alias Abu Hamsa.
Ang mga suspek ay naaresto sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Banzawan Ibrahim sa mga lugar na pinagtataguan ng mga ito sa Southern Philippine Development Authority compound sa Cotabato City.
Nakuha sa mga otoridad ang isang kalibre 45, caliber 38 baril, mga bala at magazine, 3 piraso ng 60mm mortar, improvised explosive device, 1 pirasong 105mm howitzer improvised explosive device at 1 granada
Ang mga naturang suspek ay una nang itinuro ng mga naunang suspek na dinampot ng mga otoridad nuong October 1.
By: Judith Larino