Dumating na sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs ang apat pang van para sa Passport on Wheels na naglalayong mapabilis ang pagkuha ng pasaporte.
Ayon kay DFA secretary Alan Peter Cayetano, binuo ang programa upang mailapit sa mga malalayong lungsod o bayan ang serbisyo ng ahensya.
Maliban sa planong gawing walo ang kanilang van, isinusulong din ang pagtatayo ng mga karagdagang Consular offices sa buong bansa.
Matatandaang sinimulang ilunsad ang Passport on Wheels noong Enero 15 at nadala na ito sa tinatayang 82 lungsod, munisipalidad, ahensya at organisasyon.