Apat na indibidwal ang nasawi habang 15 ang sugatan matapos ang magkakahiwalay na shooting incident sa Hampton Roads, Virginia, USA.
Ang sunod-sunod na karahasan ay naitala sa Norfolk kung saan lima rito ang binaril at dalawa ang namatay, tatlo ang sugatan sa Portsmouth, isa ang sugatan sa Suffolk at isa ang nasawi sa Chesapeake.
Hindi naman nagpahayag ang pulisya ng anumang impormasyon ukol sa mga suspek o pag-aresto sa alinman sa mga pamamaril.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente. -sa panulat ni Airiam Sancho