Nasawi ang apat na katao habang sugatan naman ang 16 na indibidwal matapos bumangga ang isang mini bus sa bangin sa Peru.
Ayon sa mga otoridad, pawang mga turista na bumisita sa sikat na Machu Picchu site ang mga biktima lulan ng sasakyan.
Nabatid na kabilang sa apat na nasawi ang tatlong Colombian at isang Peruvian.
Samantala, kabilang naman sa mga nasugatan ang apat na French national, dalawang Greeks, dalawang Israelis, dalawang Canadians, dalawang Argentinians, dalawang Peruvians, isang Dutch, at isang Espanyol.