Apat na katao ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng mga sasakyan sa bayan ng Miag-Ao, Iloilo kagabi.
Kabilang sa namatay ang magkakapamilya na si Bien Estorpe, 49-anyos at isang tricycle driver; asawang si arlyn, 59-anyos at kanilang anak na sumpung taong gulang.
Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, pauwi na sana ang mga biktima na lulan ng tricycle nang banggain sila ng kasunod na pick up truck.
Iisang direskyon lang ang tinatahak ng dalawang sasakyan pero nawalan umano ng kontrol ang drayber ng truck.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang mga nasabing biktima.
Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at double serious physical injuries and damage to property ang drayber ng truck.
previous post