Patay ang apat na indibidwal habang dalawa naman ang sugatan sa naganap na pag-atake at pamamaril ng mga armadong kalalakihan sa North-Central Mexico.
Ayon sa mga otoridad, isang holiday-season party ang pinasok ng mga suspek na pinaniniwalaang mga Local gangs na may mga dalang baril saka pinaputukan ng bala ang mga biktima.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa naganap na pamamaril. —sa panulat ni Angelica Doctolero