Patay ang apat na indibidwal habang sugatan ang lima pa sa naganap na sunog sa isang two-story building sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Dennise Cadag, 15-anyos; Rina Mae Hernandez Banate, 21-anyos; isang John Kazim, at Jazmine Uzman, 57-anyos.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa sampung pamilya ang nawalan ng tirahan matapos umakyat sa second alarm ang sunog bago idineklarang fire under control.
Nasunog din ang apat pang bahay at establisyimento kung saan, aabot sa P70,000 ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog.
Patuloy pang iniimbestgahan ng mga otoridad ang sanhi ng pagsiklab ng apoy. —sa panulat ni Angelica Doctolero