Patay ang apat habang sugatan naman ang pito pang indibidwal makaraang lumubog ang isang malaking bangka sa Tunisia, North Africa.
Ayon sa Tunisian Defense Ministry, patungo sana sa Mediterranean Sea ang 32 Tunisian nang tumaob ang naturang bangka kung saan, nareskyu ang 21 katao.
Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang pito pang indibidwal matapos mawala sa naganap na insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero