Patay ang apat na indibidwal habang 70 ang sugatan matapos gumuho ang bahagi ng bull ring sa bayan ng El Espinal sa Colombia.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawang babae, isang lalaki at menor de edad.
Ayon kay Major Luis Fernando Velez, Director ng Civil Defense sa lugar, nakita na rin ang iba pang napaulat na nawawala.
Wala na rin aniyang na-trap sa gumuhong grand stand.
Agad namang isinugod sa opsital ang mga naturang biktima at patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.