Patay ang apat na katao kabilang na ang isang babae at sugatan naman ang siyam na iba pa kung saan, tatlo dito ang nasa malubhang kondisyon habang nasira ang ilang mga bahay at sasakyan matapos manalasa ang malakas na bagyo sa Istanbul, Turkey.
Ayon sa mga Otoridad, nasa 33 bubong ang tinangay ng hangin, 192 puno ang natumba, 52 traffic lights ang bumagsak at 12 sasakyan ang nasira ng bagyo.
Dahil dito, lumikas ang ilang mga residente sa lugar habang ang ilan naman ay nananatiling stranded sa baha.
Sa ngayon, kanselado muna ang 6 na Turkish Airlines Flights maging sa mga sasakyang pandagat sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero