Patay ang apat katao kabilang ang isang sundalo sa nangyaring panibagong insidente ng pamamaril sa Basilan.
Ayon kay Western Mindanao Command spokesman Major Arvin Encinas, naganap ang pamamaril sa bahagi ng Barangay Bohe Lebbung sa bayan ng Tipo-Tipo kagabi, Hulyo 3.
Batay aniya sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang pinaulanan ng bala ang apat na biktima na kinabibilangan ng isang sundalo, dalawang CAFGU, at isang sibilyan.
Habang napaulat ding nasugatan sa insidente na dalawang sibilyan at dalawa pang CAFGU.
Patuloy namang iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril gayundin para matukoy ang mga nasa likod nito.