Nag-iwan ng apat (4) na patay at 268 sugatan ang humagupit na typhoon Megi sa Taiwan.
Ayon sa Emergency Operations Center, nasa mahigit 14,000 katao ang kinailangang ilikas dahil sa bagyo.
Maliban dito, aabot sa mahigit 3 milyong tirahan ang winsak ng bagyo habang 1.65 milyong kabahayan din ang nawalan ng suplay ng kuryente at tubig.
Dahil sa epekto ng bagyong Megi, kanselado din ang pasok sa mga paaralan at maging sa mga trabaho habang suspendido ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon.
By Ralph Obina