Patay ang apat (4) katao nang mahulog sa bangin ang isang van sa Bokod, benguet.
Nakilala ang mga nasawi na sina Antonio Bulay, Alipio Bulay, Julie Valencia at Gemma Lorenzo na dead on arrival na sa isang ospital.
Ang naturang van ay patungong Quirino Province kung saan dadalo sa kasalan at reunion ang magkakamag-anak.
Ayon sa kaanak ng isa sa mga sugatan pasahero, nawalan ng kontrol sa van ang driver nang pumalya ang brake nito.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang ang insidente.
—-