Patay ang 4 na pasahero sa banggaan ng dalawang motor banca sa Rio Grande De Mindanao.
Kinilala ni Sultan Kudarat Municipal Administrator Banjo Mampon ang mga nasawi na sina Jomar Akin, Jowaina Saling parehong estudyante sa kolehiyo, Ustadz Elmie Nordin, isang islamic preacher at Pudi Ghiadel ang boat operator.
Patungo sana sa Sultan Kudarat ang mas malaking bangka na mula sa Cotabato City nang sumalpok ito sa kasalubong na bangka noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Mampon, batay sa salaysay ng mga nasagip na biktima, parehong walang ilaw at anomang signal lights ang mga bangka.
Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang isa pang pasahero ng nabanggang bangka.