Patay sa engkuwentro ang apat na hinihinalang holdaper sa Barangay San Vicente, Apalit, Pampanga.
Isang convinience store ang di umano’y nilooban ng mga holdaper subalit agad itong naiparating ng isang concerned citizen sa pulisya.
Dahil sa mabilis na responde, naabutan pa ng mga pulis ang grupo habang paalis na sa lugar.
Nang parahin ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek, nagpaputok di umano ang mga ito kayat gumanti ang mga pulis na sya namang ikinasawi ng apat na mga suspek.