Apat katao ang nasawi habang siyam na iba pa ang na-ospital dahil sa umano’y food poisoning sa Gujarat, India.
Ayon sa district collector, limampung indibidwal ang dumalo sa isang religious event na inorganisa ng tribal community doon.
Batay sa ulat, 13 katao ang nagkasakit matapos kumain ng handa sa seremonya.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng pinaniniwalaang food poisoning.