Patay ang apat na indibidwal matapos hagupitin ng malakas na bagyo ang Northern Europe.
Ayon sa mga otoridad, winasak ng bagyo ang mga bahay at sasakyan habang itinumba din ang mga poste dahilan para mawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.
Nawasak at binaha din ang mga tulay at kalsada kaya pansamantalang ipinatinigil ang operasyon o biyahe sa lahat ng uri ng transportasyon.
Samantala, nabalot din ng malakas na bugso ng hangin at niyebe ang bahagi ng Nordic Region maging ang Northern Germany, Scotland, Denmark, Finland, Norway at Sweden.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng rescue operation ang mga otoridad sa mga lugar na tinamaan ng malakas na bagyo.