Nasawi ang apat na indibidwal habang 15 ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa Pakistan Central Quetta.
Ayon sa imbestigasyon, nakatago ang bomba sa isang kotse na nakaparada malapit sa Science College sa Jinnah Road.
Dahil dito, agad na isinugod sa ospital ang mga nasabing indibidwal.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente.—sa panulat ni Airiam Sancho