Apat ang kumpirmadong patay habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa pagbagsak ng isang military plane sa Almaty City, Kazakhstan.
Sa imbestigasyon, galing ng Nur-Sulta at palapag na sana ng paliparan sa Almaty ang military aircraft nang bigla itong umusok hanggang sa sumalpok ito sa dulo ng runway.
Inaalam pa ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano na sinasabing pag-aari ng border guard agency ng Kazakhstan.