4 katao ang patay makaraang lumubog ang isang Whale Watching Boat malapit sa Tofino sa Vancouver, Canada.
Ayon sa report, ilang milya pa lamang ang layo ng bangka mula sa pampang nang lumubog itto sakay ang 27 kataong pasahero.
Una rito, 19 na pasahero na ang naililigtas ng mga awtoridad.
Sa ngayon ay patuloy naman ang search and rescue operation para sa mga nawawala pang pasahero.
Ang Tofino ay isang popular na destinasyon para sa mga turista na nais makita nang malapitan ang ibat ibang uri ng balyena kung saan tumatagal ng 3 oras ang biyahe.
By: Ralph Obina